Yuka Saso, Japan ang kakatawanin at hindi na ang Pilipinas sa susunod na linggo

(FILES) This file photo taken on August 5, 2021 shows Yuka Saso of the Philippines hitting a drive from the fifth tee in round two of the women’s golf individual stroke play during the Tokyo 2020 Olympic Games at Kasumigaseki Country Club in Kawagoe. When a little-known teenager from the Philippines burst into the global golf spotlight by winning the 2021 US Women’s Open it changed her life, but left tricky decisions ahead.
YOSHI IWAMOTO / AFP

Nagbago ang buhay ng noo’y hindi pa masyadong kilalang teenager mula sa Pilipinas, nang mapanalunan ang US Women’s Open noong nakaraang taon nguni’t naharap naman siya sa isang mahirap na desisyon.

Sa susunod na linggo ay idedepensa ni Saso ang isang major title. Nguni’t sa Pine Needles ay maglalaro na siya sa ilalim ng watawat ng Japan.

Si Saso, na isinilang sa Pilipinas na ang ina ay Filipina at ang ama ay isang Japanese, ay lubhang nahirapan sa desisyon na katawanin ang bansang pinagmulan ng kaniyang ama.

Hindi kasi pinapayagan ng Japan ang mga nasa hustong gulang na magkaroon ng dalawang nasyonalidad, kaya’t masakit para kay Saso ang magdesisyon na kailangan niyang gawin bago siya mag-21 sa susunod na buwan.

Ayon kay Saso . . . “I grew up in the Philippines and I played big events with the Philippine flag beside my name so it was a big decision. It was very difficult… I’m a professional golfer. I needed to make a decision that was good for my job. I think everybody knows that the Japan passport is more powerful, it takes less work with the stuff outside golf.”

Ang Pilipinas ay mamamalaging may espesyal na lugar sa kaniyang puso. Si Saso ay nanalo ng dalawang gintong medalya para sa bansa sa 2018 Asian Games at muli ay naglaro sa ilalim ng watawat ng Pilipinas sa Tokyo Olympics noong nakaraang taon.

Aniya . . . “I felt very honoured to represent my mum’s country, those big events… all those memories. Hopefully people will not think that I abandoned the Philippines, because I love the Philippines. I also love Japan. It’s still the same me, it’s just the flag.”

Labindalawang buwan na ang nakalipas nang dumating sa San Francisco si Saso na kilala lamang bilang golfer na nanalo sa dalawang events sa Japan LPGA Tour.

Nang lumabas na siya sa Olympic Club, pagkatapos lamang ng kanyang ikapitong pagsisimula ng LPGA Tour, si Saso ang naging unang manlalaro ng golf mula sa Pilipinas, lalaki o babae, na nanalo ng isang major.

Sinabi niya . . . “To be able to win the US Open was awesome and to get an LPGA card was my dream. It was life-changing and ever since I’ve learned a lot inside and outside the golf course.”

Ang panalo ang naglagay sa kaniya sa Top 10 mula sa ika-40 puwesto, naging-daan ng limang taong exemption sa elite na LPGA Tour, at naging daan para sa commercial endorsements, kung saan una sa mga nakapila ay ang insurance giant na AXA.

Ayon kay Saso . . . “I was playing the Japan Tour and to have a big company like AXA reach out, even before the US Open, it gave me confidence to push myself more.”

Pinakamaganda sa lahat, ang malaking tagumpay ay nagbigay kay Saso ng pagkakataon na makilala ang kanyang idolo sa men’s US Open na si Rory McIlroy.

Kapansin-pansin na ang fluid swing ni Saso ay nakakatulad ng sa four-time major champion mula sa Northern Ireland na si McIlroy. Hindi iyon nagkataon lamang.

Kuwento ni Saso . . . “It’s real that I tried to copy his swing. I don’t really want to bother him, I know how busy he is. But whenever I have questions, he always replies and gives some advice. One of my dreams is to be able to play with him one day.”

Sinabi ni Saso, na may contact pa rin sila matapos nilang magkita sa Tokyo Olympics.

Ang Pine Needles, sa windswept sandhills ng North Carolina, ay magbibigay ng ibang hamon para kay Saso, na nanalo ng kanyang maiden major sa tabi ng baybayin ng Pacific coast sa pamamagitan ng isang “knee-knocking birdie” sa ikatlong playoff hole.

Itinuturing ni Saso na “isang napakahirap na course” ang Pine Needles matapos niyang mag-practice doon ngayong buwan.

Wala pa halos siyam na taong gulang si Saso nang magpasya siya na maglaro ng golf, at nangakong mananalo sa US Open.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: