₱16B na pondo para sa scholarships, maaring ilaan sa libreng matrikula sa kolehiyo
Nakagawa ng paraan ang Kamara para makahanap ng pondong gagamitin sa libreng tuition sa mga State Colleges and Universities (SUCs).
Sa panayam ng programang Feedback, sinabi ni Appropriations Committee Chairman Rep. Karlo Alexei Nograles, maaaring ilaan na lang sa Free Higher Education Act ang labing anim na bilyong pisong halaga ng pondong nakalaan para sa mga scholarships .
Kaya para makabuo ng pondo, maaring ipunin ng Kamara ang mga scholarship funds mula sa ibat ibang departamento at kagawaran.
“Ito po ay mula sa ibat ibang scholarship na nakakalat sa budget book natin sa ibat ibang departamento at ahensya ng gobyerno , dahil mayroon din po silang scholarship program tulad ng department of agriculture , dost , denr , doh at mayroon pa tayong scholarship under sa ched, tesda . kapag pinagsama natin lahat mayroon na tayong 16 billion net atleast may ganyan na tayong pondo “. – Rep. Karlo Alexei Nograles
Dagdag pa ni Nograles , inaasahan na sa susunod na taon ay maayos nang mapagkukunang pondo at maayos na maipapatupad ang implementasyon ng libreng tuition sa kolehiyo.
Ulat ni: Marinell Ochoa