₱30M emergency employment funds ipapalabas ng DOLE para sa mga manggagawang apektado ng bakbakan sa Marawi City
Mabibigyan ng pansamantalang pagkukunan ng kita ang mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa bakbakan sa Marawi City.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na magpapadala ang DOLE ng 30.89 million pesos na pondo para sa emergency employment assistance sa mga lugar na apektado ng kaguluhan sa Marawi City.
Tinatayang 2,292 katao sa Lanao del Norte, Iligan at Cagayan de Oro kung saan nag-evacuate ang mga pamilya mula sa Marawi City.ang makikinabang sa emergency employment.
Ito aniya ay bahagi ng programa ng DOLE na tulong pangkabuhayan sa ating disadvantaged at displaced workers o tupad.
Layon nito na mabilis na matugunan ng pamahalaan ang kawalan ng trabaho at kita ng mga residente ng Marawi at mga kalapit na lugar.
Ulat ni: Moira Encina