₱60M halaga ng droga nasabat ng mga tauhan ng NBI sa Ermita, Maynila
Mahigit sampung kilo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng tinatayang animnapung milyong piso ang nasabat ng mga tauhan ng NBI sa Ermita, Maynila.
Ayon kay NBI Director Dante Gierran, ikinasa ng NBI Task Force against illegal drugs ang operasyon kasunod ng kahilingan ng Bureau of Corrections sa pag-aresto sa grupo na sangkot sa malawakang bentahan ng ipinagbabawal na gamot .
Pero sa operasyon, tanging ang nadatnan ng NBI at mga opisyal ng BuCor ay ang inabandonang sasakyan na naglalaman ng ipinagbabawal na gamot.
Batay sa eksaminasyon ng NBI Forensic Chemical Division, nakumpirma na nagtataglay ang mga nasabat ng isang uri ng dangerous drugs.
Ulat ni: Moira Encina