1.1M pasahero dumagsa sa NAIA nitong long holiday
Tinatayang 1.1 milyong biyahero ang bumuhos sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa nakalipas na mahabang bakasyon.
Batay ito sa estimated figures ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa arrival at departure sa parehong international at domestic flights mula April 1 hanggang April 9.
Noong Lunes, Abril 10 ay nasa 120,000 naman ang naitalang average daily passenger sa paliparan.
Tiwala naman ang MIAA na sa patuloy na pag-rekober ng aviation industry mula sa epekto ng pandemya ay mas lalong tataas ang bilang ng mga pasahero sa mga darating na mga buwan at mga taon.
Moira Encina
Please follow and like us: