1.5 million daily vaccination rate , target ng NTF na simulan sa November 30
Ikinakasa ng National Task Force o NTF na simulan sa November 30 ang target na 1.5 milyong daily vaccination rate laban sa pandemya ng COVID-19.
Sinabi ni NTF Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na inihahanda narin ang activation ng 5 libong vaccination sites sa buong bansa para makuha ang target na 1.5 milyong daily vaccination rate.
Ayon kay Galvez , ang pagpapataas sa daily vaccination rate sa bansa ay bilang pagtugon sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na makuha ang 50 percent ng populasyon ng bansa ay mabigyan ng anti COVID-19 vaccine bago matapos ang taong kasalukuyan.
Inihayag ni Galvez na magdaragdag din ng mga vaccinator sa buong kapuluan.
Tiniyak ni Galvez na may sapat na supply ng anti COVID-19 vaccine sa bansa.
Vic Somintac