1.7 milyong halaga ng shabu, nakumpiska mula sa 2 babaeng teenager sa Las Piñas city
Nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG), Regional Drug Enforcement Unit 5 (RDEU5), Las Piñas City Police, at Zapote Sub-Station ang dalawang menor de edad sa isinagawang drug-bust operation sa Manuyo Tramo St., Brgy. Manuyo Uno, Las Piñas City.
Nakumpiska mula sa mga ito ang nasa 1.7 milyong halaga ng shabu.
Sinabi ni Las Piñas police chief Police Col. Rodel Pastor, na ang mga teenager ay kabilang sa drugs watchlist ng gobyerno.
Nakilala ang mga suspect na sina Kimberly Cruz Teves, 19-anyos, at Christine Joy Magdatu Caballero, 18-anyos, na parehong residente ng Las Piñas City.
Maliban sa mga iligal na droga, nakumpiska rin sa mga suspect ang isang cellphone, isang 1,000 peso bill na ginami bilang boodle money, isang Okada paper bag at isang mini brown box.
Nasa kustodiya na ng PNP-DEG ang mga naarestong suspect at mga nakuhang ebidensiya.