1.8 milyong indibidwal target mabakunahan ng gobyerno sa 3 araw na Bayanihan Bakunahan
Umarangkada na simula ngayon ang 3 araw na Bayanihan Bakunahan ng gobyerno.
1.8 milyong indibidwal ang target mabakunahan para rito.
Ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, target nilang mas mailapit na sa tao ang pagbabakuna ngayon.
Maliban kasi sa mga itinalagang site, may house to house vaccination na rin.
Para sa Bayanihan Bakunahan 4, target ng gobyerno ang mga lugar na may mababang vaccination coverage.
Kabilang sa mga rehiyon na una ng tinukoy na may mababang vaccination rate ay ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), SOCCSKSARGEN, Central Visayas, MIMAROPA at CARAGA.
Umaasa rin ang Department of Health na mas maraming senior citizen ang mababakunahan at magpapaturok ng booster dose.
Madz Moratillo