1.8 milyong target population, nakamit sa Bayanihan Bakunahan 4
Nakamit ng pamahalaan ang 1.8 milyong indibidwal na target mabakunahan kontra Covid-19 sa isinagawang ikaapat na bugso ng Bayanihan Bakunahan.
Sinabi ni Dr. Kezia Lorraine Rosario, National Vaccination Operations Center (NVOC) co-lead na kabilang sa mga nabakunahan ang nasa higit 255,000 mga bata at higit 90,000 senior citizens.
Nagsimula ang Bayanihan Bakunahan 4 noong Marso 10 at pinahaba pa hanggang March 18.
Nauna nang ipinahayag ng pamahalaan na gagawin nang mas accessible at convenient sa publiko lalu na sa mga vulnerable ang pagbabakuna kontra Covid-19.
Kabilang dito ang pagsasagawa ng house-to-house vaccination at ilang social preparations.
Aminado si Dr. Kezia na marami pa rin sa mga nakatatanda at ilan din nating kababayan ang atubiling magpabakuna dahil sa takot sa magiging epekto nito.
Kaya patuloy ang pagpupursige ng gobyerno na magpakalat ng tamang impormasyon at paliwanag sa mga benepisyo at proteksyong dulot ng mga bakuna.