10, 000 hakbang bawat araw may malaking maitutulong upang mabawasan ang timbang at lumakas ang resistensya ng katawan- DOH
Ugaliin ang healthy lifestyle upang maingatan ang sarili at hindi agad na madapuan ng sakit.
Ito ang patuloy na ipinapayo ng Department of Health (DOH).
Ayon sa DOH, nangunguna pa rin ang sakit sa puso, sakit sa vascular system tulad ng stroke, at kanser sa mga sakit na ikinamamatay ng maraming mga Filipino.
Kailangang limitahan ang pagkain ng mga mamantika, sagana sa asukal, at mga processed foods.
Hindi rin dapat na kaligtaan ang pag-e-exercise.
Ang 30 minutong pag-e-exercise ay may malaking maitutulong upang lumakas ang resistensya ng katawan.
Kaya naman, binibigyang diin ng DOH na ang 10,000 mga hakbang ay may malaking maitutulong upang mabawasan ang timbang at lumakas ang resistensya ng katawan.
Bukod dito, sa mga pag -aral ng eksperto, malaking maitutulong ng paglakad sa pagpapataas ng good cholesterol level ng katawan, at pagpapaba ng blood pressure lalo na sa mga taong hypertensive.
Ulat ni Belle Surara