10-15% ng mga Pinoy, nananatiling ayaw magpabakuna kontra Covid-19
Nasa 10% hanggang 15% ng mga Filipino ang nananatiling tumatangging magpabakuna kontra Covid-19.
Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, bumaba ito mula sa 35% vaccine hesitancy na naitala sa unang mga buwan ng pagsisimula ng pagbabakuna sa bansa.
Ayon sa Health official, karamihan sa kanila ay may paniniwala na mapapahamak sila kapag nabakunahan kahit pa tiniyak na ng Department of Health na ligtas at epektibo ang mga bakuna.
Bago matapos ang taon, target ng pamahalaan na makamit ang 65% hanggang 70% fully vaccinated target population.
Sa kasalukuyan, nasa 31 milyong Filipino pa lamang ang nakakumpleto ng bakuna kontra Covid-19.