10 delinquent tax payers mula sa mga lungsod ng Quezon, Pasig at Mandaluyong kinasuhan ng BIR sa DOJ
Sinampahan ng reklamong tax evasion ng BIR sa DOJ ang sampung korporasyon at negosyante mula sa mga lungsod ng Quezon, Pasig at Mandaluyong dahil sa hindi nabayarang buwis na aabot sa 395 million pesos para sa mga taong 2009 hanggang 2013.
Partikular na kinasuhan ng paglabag sa Tax Code ang FILIPINO ENTREPRENEURS & RESOURCES NETWORK, INC o FERN; AMIGO STRATEGIC SOLUTIONS, INC.; BOAZ MOTOR, INC.; NEW HUDSON MANUFACTURING COMPANY, INC.;at GRAND ORO INDUSTRIAL CORPORATION.
Inireklamo rin ng BIR ang mga negosyanteng sina Rey M. Digal, Ma. Luisa Reyes Angulo, Mariles Z. Salamanque, Marlo Shervo Sajoyan at Gilbert Bugaoan.
Ang mga delinquent tax payers ay ipinagharap ng reklamong paglabag sa Section 255 ng Tax Code o Willful Failure To Pay Taxes.
Pinakamalaki sa hinahabol na buwis ng BIR ay sa FERN na nasa negosyo ng beauty salons at beauty products na umaabot sa 243. 75 million pesos ang tax liability noong 2010.
Ulat ni Moira Encina