10 Delinquent tax payers sa Caloocan, kinasuhan ng tax evasion sa DOJ dahil sa halos 800 milyong pisong hindi binayarang buwis
Ipinagharap ng reklamong Tax evasion ng BIR sa DOJ ang 10 delinquent tax payers mula sa Caloocan dahil sa hindi pagbabayad ng buwis mula 2011 hanggang 2015 na umaabot sa 755 million pesos.
Pinakamalaki ay sa Primeknit Manufacturing Corp.na may utang sa buwis na 285.55 million pesos.
Sumunod ang sa negosyanteng si Manuel Tecson Espiritu na mahigit 218.4 million pesos ang bigong mabayarang buwis.
Nasa 55.37 million pesos naman ang tax deficiency ng Bicol Apparel Corporation.
Kinasuhan din ang Taoyuan Textile Manufacturing Corporation na mayroong 47.93 million pesos na tax liability.
Umaabot naman sa 44.65 million pesos ang utang sa buwis ng negosyanteng si Ma. Reztiliza Nacional Sosa at 42.5 million pesos naman ang Nature’s Best Agri Foods Corporation.
Kabuuang 21.48 million pesos ang hinahabol na buwis ng BIR sa Amhran Trading Corporation at 20.8 million pesos sa Spinmaster Textile Corporation.
Nasa 9.37 million pesos ang tax liability ng Innovative Technology and Environmental Solution at 8.98 million pesos naman ang sa negosyanteng si Armando David Lagamson.
Ayon sa BIR, ang patuloy na hindi pagbabayad ng mga respondents ng buwis sa kabila ng abiso sa kanila ay paglabag sa Section 255 ng National Internal Revenue Code o Willful failure to pay taxes.
Ulat ni Moira Encina