10 hanggang 65 taong gulang, pinayagan na ng IATF na makagala sa mga lugar na nasa ilalim ng MGCQ
Niluwagan na ng Inter-Agency Task Force o IATF ang edad ng mga puwedeng lumabas ng bahay sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine o MGCQ.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na pinagtibay ng IATF ang kahilingan na payagan ng makalabas ng bahay at maaari ng magpunta sa mga pampublikong lugar tulad ng mga shopping malls at parke ang mga may edad na 10 taong gulang hanggang 65 taong gulang.
Ayon kay Roque, epektibo sa February 1 ang naturang desisyon basta mahigpit na sundin ang ipinatutupad na standard Health Protocol na “Mask Hugas Iwas”.
Inihayag ni Roque, mananatiling bawal lumabas ng bahay ang mga 9 na taong gulang pababa at 66 na taong gulang pataas dahil pa rin sa patuloy na pananalasa ng Pandemya ng COVID-19.
Vic Somintac