10 katao positibo sa Cholera sa Eastern Visayas
Sampu katao ang nagpositibo sa isinagawang culture test para sa Cholera.
Ito ang inihayag ng mga opisyal ng Eastern Visayas Medical Center o EVMC
Ayon sa EVMC, sa 70 stool specimens na kanilang ipinadala para suriin 40 pa lang ang nasimulang ma-eksamin at 10 ang nag-positibo sa Cholera.
Sa press conference na isinagawa ng EVMC at ng Department of Health , noong Oktubre 26, umabot na sa 192 ang isinugod sa Ospital dahil sa acute water diarrhea.
Apat sa mga nasawi ay mula sa iba’t- ibang barangay sa Tacloban city.
Ang isang taong may sakit na Cholera , ay nakararanas ng labis na pagtatae , pagsusuka at dehydration matapos makainom ng kontaminadong tubig.
Rose Marie Metran at Miriam Timan