10 milyong piraso ng bagong P1000 plastic bill, nailabas na ng BSP
Inisyal na 10 milyong piraso ng bagong P1000 polymer banknotes ang inilabas na sa sirkulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon sa BSP, katumbas ito ng 0.7% ng tinatayang pinagsamang bilang ng papel at polymer o plastic P1000 bill sa sirkulasyon.
Bago ilabas ang salapi, nagsagawa ang central bank ng mga technical briefings sa mga bank personnel, machine suppliers, at cash-in-transit service providers para turuan ukol sa disenyo at mga security features ng polymer banknotes.
Kabuuang 500 milyong piraso ng polymer banknotes ang inaasahang ilalabas ng BSP kasama ang P1000 perang papel pagdating ng 2023.
Moira Encina