10 milyong pisong reward para sa makakapag-develop ng gamot sa Covid-19 ipinagagamit na lang sa Research program
Umapila si Senador Panfilo Lacson kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-invest na lamang sa Research and dDevelopment ang alok nitong 10 milyong pisong pabuya sa sinumang makaka-develop ng bakuna o gamot laban sa Covid 19.
Sinabi ni Lacson na dapat tularan ng Pilipinas ang ibang bansa na naglalaan ng pondo sa Research and Development.
Aminado ang Senador na mabagal ang Pilipinas sa pagtuklas ng mga ganitong medesina dahil kulang ang inilalaang pondo ng gobyerno.
Katunayan, sinabi ni Lacson na sa taunang General Appropriations Act, umaabot lang sa average na halos zero.
Ngayon aniya mas nangangailangan ng tulong ang mga Pinoy Scientists para tumuklas ng mga maaring lunas sa epidemya.
Batay sa datos, sa halip na dagdagan ang budget para sa Research and Development, tinapyasan pa ng 147. 49 million and pondo ngayong 2020 ng Epidemiology and Surveillance program ng Department of Health.
Ulat ni Meanne Corvera