10 patay sa Riot sa Papua sa Indonesia
Nagdeploy ang Indonesia ng security forces sa isang bayan sa eastern region ng Papua, makaraang masawi ang 10 katao sa sumiklab na riot na resulta ng tsismis tungkol sa isang batang dinukot.
Sinabi ni Ignatius Benny Ady Prabowo, tagapagsalita ng Papua province police, na pinaulanan ng mga bato at pana ng mga galit na residente ng Wamena ang mga pulis, sa paniwalang hawak ng mga ito ang mga dumukot sa isang batang babae.
Aniya, gumanti ng putok ang mga pulis na ikinamatay ng walo katao, habang 23 iba pa ang nasaktan sa riot at dalawa naman ang namatay sa pagdumog ng mga tao.
Ayon kay Prawobo, “The mob, who were increasingly anarchic, did not want to listen to the authorities and did not want to disperse when they were given warning shots, and even attacked the authorities with arrows. Rioters burned 12 shops and one house. Several cars and motorcycles were set on fire.”
Dagdag pa nito, hindi bababa sa 100 miyembro ng security forces ang ipinadala mula sa provincial capital na Jayapura para pigilin ang riot matapos na uminit ang sitwasyon.
Samantala, sinabi ng mga magulang ng bata na ligtas naman ang kanilang anak at walang nangyaring pagdukot.
Ayon pa kay Prawobo, “The parents… stated that there was no kidnapping of their child. The situation is under control.”
Ang militar at pulisya ng Indonesia ay matagal nang inaakusahan ng paggawa ng mga kalupitan laban sa mga sibilyan ng Papua sa loob ng ilang dekada nang insurhensya na ang hangad ay kalayaan para sa lalawigang mayaman sa mineral.
Isang dating Dutch colony, nagdeklara ng indipendensya ang Papua noong 1961, subalit kinontrol naman ito ng katabing bansa na Indonesia pagkalipas ng dalawang taon.
© Agence France-Presse