10 patay sa wildfire sa California
Sampu na ang kumpirmadong nasawi sa wildfire na nagaganap sa Northern California.
umabot naman sa 1,500 mga bahay at commercial buildings ang nasunog.
Dahil sa insidente, idineklara na ni California Gov. Jerry Brown ang state of emergency sa Butte, Mendocino, Nevada at Orange counties.
Ayon kay California Department of Forestry and Fire Protection Director Ken Pimlott, nasa 20,000 katao na ang inilikas at dinala sa ligtas na lugar.
Apektado rin ng wildfire ang iba pang bahagi ng Northern California kabilang ang Napa, Sonoma at Yuba counties.
Bukod sa 10 namatay, nasa 100 na ang naitalang sugatan na pawang nagtamo ng sunog sa katawan at ang iba naman ay nahirapang huminga dahil sa nalanghap na usok.
Samantala, ang Napa county ay kilala bilang wine country of the world dahil dito matatagpuan ang pinakamalalaking grapes plantation at itinuturing din ito na tourist destination sa Northern California.
Kilala naman ang State of California na isang bulubunduking estado at tinagurian itong fruit and vegetables basket of the world kaya prone ito sa wildfire.