10 sumukong Aegis Juris fraternity members, iniharap ng NBI sa media

Iniharap na sa media ng National Bureau of Investigation o NBI ang sampung miyembro ng Aegis Juris fraternity na akusado sa pagkamatay ng UST Law student na si Horacio “Atio” Castilo III.

Ang mga ito ay sina Arvin Balag, Ralph Trangia, Oliver John Audrey Onofre, Mhin Wei Chan, Danielle Hans Matthew Rodrigo, Joshua Joriel Macabali, Axel Munro Hipe, Marcelino Bagtang, Jose Miguel Salamat at Robin Ramos.

Ayon sa NBI, boluntaryong sumuko ang sampu kung saan nagtipon ang mga ito sa isang lugar at pagkatapos ay sinundo sila ng mga arresting officers ng NBI.

Emosyonal umano ang mga frat members nang sila ay i-turn over ng kanilang mga magulang sa NBI.

Agad silang isinailalim sa booking procedures pagdating sa NBI  ng alas-11:00 ng umaga.

Mananatili naman sa kustodiya ng NBI ang mga akusado habang hinihintay nila ang Commiment order mula sa Manila Regional Trial court kung saan ang mga ito ay ikukulong.

Ang nasabing mga Frat members ay nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Hazing Law na isang non-bailable offense.

Iniutos ng Manila regional trial court Branch 40 ang pag-aresto sa 10 matapos makitaan ng hukuman ng probable cause ang kasong isinampa ng DOJ laban sa mga ito.

 

Ulat ni Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *