100% ng honoraria sa mga gurong nagsilbi sa ginanap na BSKE naibigay na
Iniulat ng Comelec na naibigay na ang honoraria para sa lahat ng gurong nagsilbi sa ginanap na Barangay at Sangguniang Kabataang elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, halos 7 bilyong piso ang inilaan nila para sa honoraria ng mga guro.
Sa datos ng poll body nasa higit 600,000 ang nagsilbi bilang Electoral Board sa katatapos na halalan.
Ang kanilang honoraria ay 9 hanggang 10 libong piso depende kung Chairman o member ng board ang posisyon.
Pero may ilan ang hindi agad nagpunta sa mga election office sa kani- kanilang lugar para maiproseso ang pagbibigay sa kanila ng honoraria.
Madelyn Villar – Moratillo