100 pamilya, nasunugan sa Project 6 Quezon City
Nasa isandaang pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na tumagal ng halos dalawang oras sa Road 7, Project 6, Quezon City.
Mabilis kumalat ang apoy dahil bukod sa dikit-dikit ang mga bahay ay gawa pa ang mga ito sa light materials.
Nagkulang din ang suplay ng tubig ng mga rumespondeng bumbero.
Mangiyak-ngiyak ang mga residenteng walang naisalbang gamit dahil sa mabilis na pagkalat ng sunog.
Batay sa Initial na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagmula ang apoy sa bahay ni Ma. Theresita Sastre sa ikalawang palapag ng kaniyang stockroom.
Ang mga pamilyang nasunugan ay pansamantalang tumutuloy sa mga evacuation center na inilaan ng barangay.
Isang tauhan ng BFP ang panandaliang nawalan ng malay habang inaapula ang sunog.
Report ni Ian Jasper Ellazar