100-piso commemorative coins ng tatlong Pilipinong bayani, inilabas ng BSP
Naglabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng 100-piso commemorative coins na kinatatampukan ng tatlong Pilipinong Bayani.
Ibinenta ang nasabing special coins nina Teresa Magbanua, Mariano Ponce, at Emilio Aguinaldo sa halagang Php350 sa BSP Store.
Naabot din agad ng BSP ang quota order para sa commemorative coins noong Martes hapon.
Ayon sa central bank, ang special coins ay para sa paggunita sa 150th birth anniversary nina Magbanua at Aguinaldo at 100th death anniversary ni Ponce.
Si Magbanua ang tanging Pilipina na nanguna sa labanan sa Panay kontra sa mga Kastila noong 1898.
Sumali rin siya sa ilang labanan laban sa pananakop ng mga Amerikano.
Noong panahon ng pananakop ng Hapon, ipinagbili ni Magbanua ang ilan sa kanyang ari-arian para pondohan ang mga guerilla fighters sa kanyang bayan.
Si Ponce naman ay tumulong kay Lopez Jaena sa pagtatag ng La Solidaridad sa Barcelona, Spain at sumama kina Jose Rizal at iba pa sa krusada para sa reporma sa Pilipinas.
Si Aguinaldo ang nagdeklara ng kalayaan ng Pilipinas noong June 12, 1898 at ang unang presidente ng Republika ng Pilipinas.
Moira Encina