100% vaccination rate target sa Boracay, positibong makamit hanggang Nobyembre
Hindi na kailangang magpakita pa ng negative RT-PCR test result ang mga turistang bibisita sa Boracay sa sandaling makamit na ng isla ang 100% vaccination rate target sa mga tourism worker at eligible residents nito.
Ito ay kung fully vaccinated na ang mga bibisitang turista.
Batay sa huling datos ng Boracay hanggang October 24, nasa 91.09% o 11,668 na tourism workers at 62.78% o 15,350 ng eligible population ng isla ang bakunado na.
Ngayong buwan, inaasahang makukumpleto na ang pagbabakuna sa natitira pang 9,000 na mga residenteng kabilang sa target population.
Mula October 18, wala nang naiuulat na aktibong kaso ng COVID-19 sa Boracay Island.
Una nang sinabi ni Tourism secretary Berna Romulo-Puyat na dahil 100% nang fully vaccinated ang mga tourism worker sa Boracay, positibo silang tataas pa ang tourist arrivals sa isla at madaragdagan pa ang mga establisimyentong maaaring magbukas na makatutulong upang makabalik sa hanapbuhay ang ating mga kababayan.