10,000 na pulis ipakakalat sa inagurasyon ni President elect Bongbong Marcos
Aabot sa 10,000 pulis ang ipapakalat para sa inagurasyon ni President elect Bongbong Marcos sa Hunyo 30.
Sa pagdalo ni PNP Chief Lt. General Vicente Danao sa inagurasyon ng bagong presinto ng station 2 ng Manila Police District, tiniyak nya ang mahigpit na seguridad sa araw ng inagurasyon.
Paiiralin din aniya ang no fly at no drone zone sa nasabing araw.
Paalala naman sa mga dadalo sa inagurasyon kung magdadala ng bag dapat transparent, maging mga inuming tubig pero payo niya para iwas abala wag nalang magdala ng bag.
Para naman sa publiko, payo ni Danao sa telebisyon nalang manood ng inagurasyon at huwag ng personal na magpunta sa lugar dahil hindi rin naman sila makakapasok.
Sa panig naman ng lokal na pamahalaan ng Maynila, tiniyak ni Mayor Isko Moreno ang full cooperation sa anumang assistance na kailangan para sa inagurasyon.
Madelyn Villar – Moratillo