10,000 pamilya sa Surigao Del Sur, target na malinyahan ng kuryente sa taong ito

Mahigit 2,400 pamilya  ang libreng nakinabang sa Nationwide Intensification of household electrification program o NIHE sa ilalim ng Department of Energy sa pangunguna ng Surigao del Sur Electric cooperative 1. o SURSECO.
 
Pangunahin na nakikinabang sa nasabing proyekto ang mga sitio na hindi pa naabot ng kuryente o mga lugar na masyadong napinsala ng mga nagdaang bagyo sa Surigao del Sur. 
 
Target ng SURSECO 1 na malinyahan ang 10,000 pamilya na nakapaloob sa kanilang service area sa taong ito. 
 
Patuloy pa rin ang isinasagawang upgrading sa mga linya ng kuryente upang matugunan ang lumalaking demand sa kuryente ng probinsya.
Kasalukuyan pa ring nakakaranas ng rotational brown out ang mga bayan na nasa ilalim pa rin ng upgrading system ng kooperatiba. 
Ulat ni Issay Daylisan, Surigao del Sur correspondent
=== end ===
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *