103 turista istranded pa rin sa Batanes dahil sa bagyong Kristine – DOT

Nananatiling istranded ang ilang turista sa Batanes dahil sa bagyong Kristine.

Sa ulat ng Department of Tourism (DOT) Region 2 Office, umaabot sa 103 turista ang nasa isla pa rin.

Pero ito ay nabawasan na ng 37 pasahero mula sa naunang napaulat na 140 turista matapos makasakay na sa dalawang flights noong Linggo,Oktubre 27.

Ayon sa DOT, nasa Basco ang lahat ng istranded na turista at inaasahang makakaalis sa oras na magkaroon na ng available na airline seats.

Sinabi naman ng DOT na ang ibang napaulat na mga naistranded sa ibang mga lugar dahil sa bagyong Kristine ay nakabiyahe na.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *