104 yrs. old centenarian sa Taguig, nakatanggap ng cash gift
Bilang pagpapahalaga ng Taguig City sa kanilang mga minamahal na lolo at lola na umabot na sa kanilang ika-100 taon, isang 104 yrs. old na lola ang pinagkalooban ng lungsod at ng Office for Senior Citizens Affairs, ng 100 thousand pesos centenarian cash gift.
Ito ay ipinagkaloob kay lola Salud Relente ng Brgy. Hagonoy.
Si lola Salud at maging ang iba pang mga centenarian, ay patuloy na makatatanggap ng parehong halaga sa susunod pang mga taon hanggat sila ay nabubuhay.
Bukod pa rito, sa ilalim ng City Ordinance no. 25 series of 2017, ang mga senior citizen naman ay makatatanggap ng 3-5 thousand pesos bilang cash gifts, depende sa kanilang age bracket.
Ilan pa sa mga programa ng Taguig para sa mga senior citizen, ay ang pamimigay ng gamot para sa may diabetes, high blood, at asthma, libreng wheelchairs, tungkod, at hearing aid.
Ulat ni Archie Amado