109-anyos na Pilantropong si Jessie Lichauco, nabakunahan na kontra COVID-19
Nabakunahan na kontra COVID-19 ang 109 taong gulang na si Jessie Coe Lichauco na isang kilalang Philanthropist.
Si Lichauco ay tinurukan ng Sinovac vaccine sa kanilang heritage house sa Sta. Ana, Maynila.
Isa si Lichauco sa mga inspirasyon ng pagkakatatag ng Child Protection Unit ng Philippine General Hospital.
Kasama ang kaniyang asawa na si Marcial Lichauco, binuksan nila ang kanilang bahay sa Sta. Ana, Maynila upang gawing makeshift hospital noong World War II.
Pinuri naman ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagpapabakuna ni Lichauco dahil kabilang sila sa high-risk group pagdating sa COVID-19.
Tiniyak ni Mayor Isko na tuloy pa rin ang Home service vaccination sa Lungsod para sa mga bedridden Senior Citizen.
Madz Moratillo