10K PDLs, makikinabang sa ruling ng SC na isama ang heinous crimes convicts sa GCTA
Nasa 10,000 Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang maaaring makalaya kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na kuwalipikado rin ang mga nahatulan ng karumal-dumal na krimen sa benepisyo ng bagong Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.
Alinsunod sa mga patakaran ng GCTA, mababawasan ang taon ng sentensya ng isang bilanggo kapag nagpakita ito ng kagandahang-asal sa loob ng piitan.
Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. na pinarerebyu na niya ang mga rekord ng PDLs na magkukuwalipika kasunod ng ruling ng SC.
Ayon kay Catapang, sisiguraduhin nila na hindi na magiging banta ang mga nasabing PDL at ang mga ito ay nareporma na.
Nilinaw pa ng opisyal na alinsunod sa batas ay kinakailangan ang pag-apruba ng kalihim ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapalaya sa PDLs na hinatulan ng panghabambuhay na pagkabilanggo o ang mga itinuturing na high-risk.
Moira Encina