11 Bilyong pisong buwis nawawala sa Gobyerno dahil sa Smuggling
Sinisisi ni Senador Richard Gordon ang smuggling at katiwalian sa Bureau of Customs kaya hindi maabot ang target collection ng gobyerno para sa public services.
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Blue Ribbon committee sa smuggling ng shabu at tara system sa Customs, sinabi ni Gordon na umaabot na sa 432 billion pesos ang nawala sa gobyerno dahil sa smuggling at katiwalian.
Sa nakalipas aniya na sampung taon, bigo ang customs na maabot ang target collection dahil sa nangyayaring katiwalian at pagpapalusot ng mga kargamento.
Isa sa tinukoy ni Gordon ang negosyanteng si Eirene Mae Tatad na nag- angkat ng 195 milyong pisong halaga ng produkto pero umaabot lang sa 3,586 piso ang iinayad na buwis sa BIR.
Si Tatad ang proprietor ng EMT TRADING na naging consignee ng 604 kilos ng shabu mula sa China.
Nanghihinayang si Gordon na kung nakolekta ito ng tama, magagamit sana ito sa pagpapatayo ng mga karagdagang classroom at mga imprastraktura
Ulat ni Meanne Corvera