11 Chinese nationals inilagay sa blacklist ng Bureau of Immigration
Ipinag-utos ni Immigration Commissioner Jaime Morente na mailagay sa blacklist ang 11 Chinese nationals dahil sa pag over stay sa bansa.
Ang kautusan ay inilabas Morente matapos ipadeport ang mga nasabing Chinese nationals.
Dahil rito hindi na sila pwedeng bumalik sa bansa.
Ayon kay Morente, nakapanatili sa Pilipinas ang mga nasabing chinese nationals sa pamamagitan ng visa upon arrival.
Pero inabuso nil ang kanilang pribiliheyo at nag overstay sa bansa ng walang balidong dahilan.
Dumating ang mga ito sa bansa sa magkakahiwalay na petsa mula November 2019 hanggang January ng 2020.
Sa ilalim ng umiiral na patakaran ang mga nabigyan ng visa sa ilalim ng VUA ay pinapayagan lamang nakapanatili sa bansa sa loob ng 30 araw.
Ang VUA program, ay inilunsad ng pamahalaan para makahikayat ng mas maraming turistang Chinese.
Pero sinuspinde ito ng BI noong Enero kasunod ng Covid-19 outbreak sa Wuhan at iba pang lugar sa China.
Madz Moratillo