11 Chinese nationals na hindi pinapasok sa bansa, kahina-hinala ang intensyon- BI
Nagkaroon ng misrepresentation sa kanilang mga dokumento ang 11 Chinese nationals kaya hinarang at hindi pinapasok sa bansa.
Ayon kay Bureau of Immigration spokesperson Dana Sandoval, ang mga dayuhan ay dumating sa bansa noong Huwebes mula Guandong, China.
Paliwanag ni Sandoval, bagamat kumpleto ang hawak nilang mga dokumento gaya ng Travel documents at Entry exemption documents, hindi naman tumutugma ang sagot nila sa mga ipinrisintang dokumento matapos silang tanungin ng mga Immigration personnel.
Ayon sa mga Chinese nationals, pinadala umano sila ng mga Telecom companies para dumalo sa Business conference at sumailalim sa mga training pero lumalabas aniya na ang ilan sa kanila ay matagal nang nag-stay sa Pilipinas.
Sisiyasatin din aniya ng Immigration Bureau kung anong grupo ang nagpadala sa mga dayuhan at ano ang kanilang tunay na intensyon sa pagtungo sa bansa.
BI spokesperson Dana Sandoval:
“Sa tingin po natin maaaring nagkaroon ng mirepresentation pagdating sa mga Foreign nationals na ito, and document nila ay ineendorso ng dalawang Telcom companies dito sa Pilipinas pero pagdating dito ay iba ang purpose of travel nila at iba rin sa document that they are showing. Yung intensyon ng tao kahit kumpleto ang dokumento nila ay hind pa rin natin sila papapasukin“.