11 miyembro ng NPA, kinasuhan ng terorismo
Inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) na sampahan sa korte ng paglabag sa Anti-Terrorism Act of 2020 ang 11 miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ang kaso ay nag-ugat sa sinasabing pananambang ng mga akusado sa mga sundalo ng Philippine Army (PA) noong Mayo 30, 2023 sa Sablayan, Occidental Mindoro.
Ayon sa DOJ, kumbinsido ang mga piskal na duminig sa reklamo na akto ng terorismo ang pag-atake ng NPA members laban sa mga Army personnel.
Mga sinampahan ng kasong terorismo:
Jovito Marquez
Antonio Baculo
Sonny Rogelio
Veginia Terrobias
Lena Gumpad
Job Abednego David
Jessie M. Almoguera
Reina Grace
Bethro Erardo Zapra Jr.
Daisylyn Castillo Malucon
Yvaan Corpuz Zuniga
Nakitaan ng DOJ prosecutors ng sapat na ebidensiya na ang motibo sa ambush ay para magresulta sa kamatayan, seryosong pinsala at magdulot ng malawakang pagkatakot sa mga tao.
Ibinasura naman ng mga piskal ang mga reklamong illegal possession of firearms and explosives at war crimes laban sa NPA members dahil sa kawalan ng sapat na batayan at ebidensiya.
Moira Encina