11 panukalang batas hindi na inaksyunan ni PBBM
Labing isang panukalang batas ang hindi na inaksyunan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. at nag lapse into law.
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, ito ang huling batch ng mga naipasang panukala ng Senado na isinumite nila sa Malacañang bago matapos ang termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Zubiri na bagama’t may limang panukala na ang na veto ng Pangulo, masaya sila na hindi na nito inaksyunan ang labing isang iba pa kaya naging batas.
Kabilang na rito ang pagbibigay ng dagdag na benepisyo sa ilalim ng Expanded Solo Parents Welfare Act.
Sa ilalim ng batas ,bibigyan ng isang libong pisong ayuda ang mga solo parent kada buwan para sa mga minimum wage earner, discount sa baby milk at baby products at sila dapat ang priority sa housing projects.
Samantala, naglapse at naging batas ang extended producers responsibility na mag- oobliga sa mga kumpanya at korporasyon na kolektahin at i- recycle ang mga basura mula sa kanilang produkto.
Bukod pa rito ay ang batas para doblehin ang benepisyo ng mga senior citizen at permanent validity ng NSO documents gaya ng birth certificate na malaking tulong sa ating mga kababayan.
Nilinaw naman ng Malacañang na walang nangyaring veto spree.tinutono lang aniya ng pangulo ang nais na tax reform o mga sistema sa batas lalong-lalo na ang isyu ng tax break at tax benefits.
Meanne Corvera