11 Recruitment firms na nagdedeploy ng mga OFWs sa Kuwait, kinansela at sinuspinde ang lisensya: 5 POEA personnel sinibak
Labing-isang Recruitment agencies na nagde-deploy ng mga Overseas Filipino workers o OFWs sa Kuwait ang kinansela ang lisensya ay sinuspinde ng POEA dahil sa iba’t-ibang mga paglabag.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, ang mga nasabing recruitment firms ay dati nang may nakabinbing kaso bago pa man ang deployment ban ng OFW sa Kuwait.
Ang mga ito ay ang:
1) Al Bayan International Manpower Services Co.;
2) Bumiputra Gulf Company Inc.;
3) Gold Fortune Human Resources Corp;
4) LFC International Human Resources;
5) Aisis International Manpowere Incorporated;
6) Great World International Management Inc.;
7) Global Gate International Manpower Services Inc.;
8) MMML Recruitment Services Inc.;
9) NRS Placement Inc. (four months suspension of license, reprimand);
10) SML Human Resources Inc.;
11) Best Migrant Workers International Manpower Services Inc.
Sinabi i Olalia na maaaring i-apila ng mga recruitment agencies ang parusa sa kanila pero sa ngayon ay hindi muna sila magpo-proseso ng mga papeles ng kanilang mga kliyente.
Kasabay nito, sinibak din ng POEA ang lima nitong tauhan dahil sa sinasabing pag-deploy sa ilang first-time OFWs sa Kuwait bilang Balik-Manggagagawa.
Ulat ni Moira Encina
=================