Kahalagahan ng pagkakaisa, binigyang -diin sa pagdiriwang ng ika-117 anibersaryo ng Korte Suprema

Ipinagdiriwang at ginugunita ngayon ng Korte Suprema ang ika-isandaan at labing-pitong anibersaryo nito.

Binigyang-diin ng Korte Suprema ang kahalagahan ng pagkakaisa sa pagdiriwang ng kanilang anibersaryo na may temang  “Isang Lahi, Isang Diwa, Isang Hudikatura,.”

Pangunahing dumalo sa pagdiriwang na isinagawa sa Supreme Court Quadrangle, Old Building sina Acting Chief Justice Antonio Carpio, Justice Teresita de Castro, Justice Perlas Bernabe at Court Administrator Jose Midas Marquez.

Napuno rin ng mga opisyal at kawani ng Supreme Court ang quadrangle.

Ito ang unang pagkakataon na ginunita ng Korte Suprema ang kanilang anibersaryo matapos na mapatalsik si Dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Carpio na ang Hudikatura ay unitary kung saan ang Korte Suprema ang nangangasiwa sa lahat ng mga mababang Hukuman.

Ang mga desisyon din anya ng Korte Suprema ay binding o ginagawang batayan ng mga mababang hukuman.

Iisa rin anya ang Hudikatura sa layunin nito na manaig ang hustisya sa bawat Pilipino.

Sa mensahe naman ni Carpio sa magazine ng Supreme Court para sa kanilang anibersaryo,  sinabi nito  na kahit magkakaiba sila ng opinyon at paniniwala,  nagkakaisa sila sa pagtiyak ng integridad at pagiging independyente ng Korte Suprema.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *