12 mga guro mula sa ibat’ ibang paaralan sa buong Pilipinas, binigyang pagkilala ng Komisyon ng Wikang Filipino
Kaugnay ng pagunita sa National Teacher’s Month celebration, labing dalawang mga guro mula sa ibat’ibang panig ng bansa ang pinarangalan ng Komisyon ng Wikang Filipino bilang mga ulirang guro para sa taong 2017.
ito ay dahil sa pagsusulong nila ng Wikang Filipino, mga wika at kultura ng kanilang rehiyon.
ginawaran ng pagkilala sina Tiongan, Jenefer (Benguet National High School), Joselito (Pangasinan National High School), Ponhagban, Richard (Diffun National High School), Medrano Rosalina (Batangas National High School), Gaspar, Winnaflor (Batasan Hills National High School), Ompoc, Eva, (Eusebio High School), Makabenta, Ricardo (Manuel S. Rojas Elementary School), Balunsay, Jovert (Pambansang Unibersidad ng Catanduanes), Jamisola, Ricky (Abuyog National High School), Celeste, Michelle (Iloilo National High School), Singcolan, Judith (Bukidnon State University), Calibayan, Maria Luz (University of Southern Mindanao).
Ibinibigay ng KWF taon taon ang ulirang guro award sa mga pili at karapat dapat na guro sa Filipino sa kahit anong antas ng edukasyon sa bawat rehiyon.
nilalayon ng pagbibigay ng gawad na maitaguyod at parangalan ang mga natatanging guro na patuloy na katuwang ng KWF sa pagtataguyod at pagpapaunlad ng Wikang Filipino at mga wikang katutubo.
Ulat ni: Anabelle Surara