12 migrants patay nang lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa isang Channel
Hindi bababa sa 12 migrants ang namatay nang tumaob ang sinasakyan nilang bangka habang bumabaybay sa Channel patungo sa Britain.
Sinabi ni French Interior Minister Gerald Darmanin na may dalawa katao ring nawawala.
Ang pagharap sa problema ng illegal immigration ay isang prayoridad kapwa para sa mga gobyerno ng Britain at France.
Ayon sa UK government figures, mahigit sa 2,000 katao na ang dumating sa Britain lulan ng maliliit na mga bangka sa nakalipas na pitong araw.
Noong nakaraang linggo, nangako ang Pangulo ng France na si Emmanuel Macron at ang Punong Ministro ng Britanya na si Keir Starmer, na paiigtingin ang pagtutulungan upang lansagin ang migrant smuggling routes.
Isang French local official ang nagsabi sa mga mamamahayag, na ang mga marami sa mga biktima ay mula Africa, at ang karamihan ay galing sa Eritrea.
Sinabi ni Darmanin na kabilang sa mga biktima ay mga bata.
Aniya, “Women and men are dying as a result of these human traffickers who are real criminals.”
Ayon naman kay British interior minister Yvette Cooper, “The deaths are a ‘horrifying and deeply tragic incident,’ and the work to dismantle ‘dangerous and criminal smuggler gangs and to strengthen border security’ is vital and must proceed apace.”
Ang nabanggit na Channel ay isa sa pinaka abalang shipping lanes sa buong mundo at ang mga alon dito ay malakas, kaya’t delikado para sa maliliit na mga bangka ang tumawid dito.
Noong Agosto, dalawa katao ang natagpuang patay matapos na ang bangkang sinasakyan ng mga migrante na nagtatangkang tumawid sa Channel ay nagkaproblema.
Sinabi ni Steve Smith, CEO ng Care4Calais NGO, “Every political leader, on both sides of our Channel, needs to be asked how many lives will be lost before they end these avoidable tragedies?”
Aniya, “Their continued obsession, and investment, in security measures is not reducing crossings, it is simply pushing people to take ever increasing risks to do so.”