12,186 centenarians nakatanggap na ng tig-100k na cash gift mula sa DSWD
Umabot na sa 12,186 na mga centenarians ang nakatanggap na ng tig-100 thousand pesos na cash incentives mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD sa ilalim ng centenarians act of 2016.
Sinabi ni DSWD Apokesman Assistant Secretary Romel Lopez mula 2017 hanggang ngayong taon ay patuloy na binibigyan ng cash incentives ang mga pinoy na nakaabot sa 100 taong gulang.
Ayon sa DSWD maliban sa cash incentives binigyan din ng plaque of recognition mula sa Office of the President ang mga centenarian bilang pagkilala ng gobyerno sa pagkakaroon ng mahabang buhay.
Inihayag ng DSWD na kailangang magpakita ng birth certificate ang pamilya ng centenarian para makuha ang cash incentive mula sa pamahalaan.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga Local Government Units o LGUs at National Commission on Senior Citizens para mapabilis ang proseso sa pagbibigay ng cash incentives sa mga Pinoy centenarians.
Vic Somintac