125 police personnel ng PNP Dagupan City, Pangasinan, isinailalim sa surprise drug test
Isinailalim sa surprise drug test ang may 125 mga police personnel na pinangunahan ng hepe ng Dagupan City Police Station.
Ayon kay Supt. Jandale Sulit, hepe ng Dagupan City PNP, isinagawa ang surprise drug test sa mga pulis Dagupan upang tiyakin na walang gumagamit ng iligal na droga sa hanay ng PNP.
Ayon kay Supt. Sulit, isinagawa ito upang ipakita sa publiko ang seryosong kampanya laban sa iligal na droga at makuha ang loob ng publiko upang sugpuin ang iligal na droga.
Pawang negatibo ang lumabas na resulta ang isinagawang drug test.
Pinangunahan ng Crime Laboratory ng Pangasinan Police Provincial Office ang isinagawang drug test.
Ayon kay Sulit, isinailalim na sa updating ang lahat ng mga drug surrenderers sa Dagupan City upang tiyakin na mapanatiling drug free ang siudad.
Ayon sa opisyal, kasalukuyang binubuo na nito ngayon ang plans and programs para sa isasagawang accounting sa lahat ng may 1,313 drug surrenderers upang malaman ang kalagayan ng mga ito at tiyakin na wala isa man sa mga ito ang bumalik sa dating bisyo.
Nanawagan ang liderato ng Dagupan City PNP sa publiko na makipagtulungan upang manatili na drug free ang lungsod.
Ulat ni Nora Dominguez