DFA, kayang makapag-isyu ng 1M PH Visa ngayong 2024
Handa ang Department of Foreign Affairs- Office of Consular Affairs (DFA- OCA) na makapagproseso ng isang milyong visa tulad noong bago ang pandemya para sa mga dayuhan ngayong 2024.
Sinabi ng DFA-OCA na noong 2019 ay nakapag-isyu ito ng mahigit 1.6 milyong Philippine visas.
PH Visa Issued 2019 : 1,623,098
“ We have the capacity to process and issue visas and go back to that pre-pandemic level ” ani Director Leilani Feliciano, Visa Division, DFA- OCA.
Mula sa nasabing bilang, malaki ang ibinaba ng mga nai-release na visa ng DFA noong 2020 at 2021 dahil sa pagtama ng COVID- 19.
PH Visa Issued 2020 & 2021
2020- 159, 440
2021- 36, 571
Pero, unti-unting tumaas noong 2022 at 2023 dahil sa pag-alis sa travel restrictions.
PH Visa Issued 2022 & 2023
2022- 82, 260
2023- 217, 265
Ang pinakamaraming nakapag-isyu ng Philippine visa noong 2023 sa mga banyaga ay ang konsulado ng Pilipinas sa Guangzhou, China na 37, 124.
Sumunod ang mga foreign service post ng Pilipinas sa Shanghai na 36, 540 at Beijing na 29,867.
Top Visa Issuing PH Foreign Service Post 2023
1. Guangzhou PCG- 37,124
2. Shanghai PCG- 36,540
3. Beijing PE- 29,867
4. Chongqing PCG- 15,121
5. Chennai PHC- 8,8886
6. New Delhi PE- 7,691
7. Xiamen PCG- 7,179
8. Mumbai PHC- 6,805
9. Dubai PCG- 6,434
10. Abuja PE- 3,305
Ayon pa sa DFA-OCA, isinasailalim nila sa reassessment ang mga specific visa target sa ibang bansa tulad ng China na bumaba ang outbound tourism.
Aminado naman ang DFA na may security concerns kaya hindi ito makapag-isyu ng free visa sa iba pang nasyonalidad o bansa gaya ng China.
Isa sa mga isyu na ito ay ang mga Chinese na pumapasok sa bansa bilang illegal POGO workers. Mahalaga anila na mabalanse ang ekonomiya at seguridad sa usapin ng free visa.
“As the President said himself…we must get more tourists, more investors, more students, so we have to facilitate visa issuance. So the e-visa project was born. But on the other hand, we also have our security sector valid concerns” ani Foreign Affairs Undersecretary Jesus Domingo.
Moira Encina