12th ASEAN Maritime Forum at 10th Expanded ASEAN Maritime Forum, isinagawa sa Pilipinas
Ginanap sa Pilipinas ang 12th ASEAN Maritime Forum (AMF) at 10th Expanded ASEAN Maritime Forum (EAMF) kaalinsabay ng ika-40 anibersaryo ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Ang AMF ay venue para sa dayalogo sa iba’t ibang maritime issues gaya ng maritime cooperation, maritime security trends at maritime environmental protection.
Sinabi ni DFA Office of ASEAN Affairs Deputy Assistant Secretary Noel Novicio na isa sa mga tinalakay sa AMF ang pag-rebyu sa implementasyon ng 1982 UNCLOS .
Ang EAMF naman ay venue para sa ASEAN at walong dialogue partners kung saan ilan sa mga pinagusapan din ang UNCLOS implementation at ang paglaban sa illegal fishing sa rehiyon.
Inihayag ni Novicio na kasama sa mga napagusapan ng ASEAN member states ang mga isyu na may kaugnayan sa South China Sea at ang mapayapang resolusyon sa maritime disputes.
Iginiit ng kagawaran na lahat ng negosasyon ng Pilipinas sa pagresolba sa maritime disputes ay alinsunod sa international laws at UNCLOS.
Bagamat kasama ang isyu ng SCS ay hindi aniya partikular na natalakay ang sinasabing presensya ng Chinese militia vessels sa karagatang malapit sa Palawan.
Tiniyak naman ng DFA na may mga mekanismo at established bilateral channels ang gobyerno para matugunan ang mga katulad na isyu.
Moira Encina