13.5 milyong pisong halaga ng smuggled na sibuyas ang sinunog ng BOC
Aabot sa 13.5 milyong pisong halaga ng smuggled na sibuyas ang sinunog at ibinaon sa lupa ng Bureau of Customs sa Cagayan.
Ayon sa BOC, ang mga nasabing sibuyas ay mula sa China at idineklara bilang cream cheese at frozen puff pastries.
Naka-consign ito sa JDFallar Consumer Goods Trading at dumating sa Mindanao Container Terminal Sub-port noong Agosto.
Pero matapos ang ginawang eksaminasyon, nakita na mga sibuyas pala ang laman ng shipment.
Dahil sa misdeclaration at paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act, kinumpiska ang mga nasabing sibuyas.
Madz Moratillo
Please follow and like us: