13 anyos na babae, kayang bumuo ng masterpiece “on the spot”
Si Alma Deutscher, isang English girl, 13 anyos, ay tanyag na mundo ng musika sa kabila ng kaniyang murang edad.
Anim na taong gulang pa lamang si Alma, nakapag-compose na siya ng isang Piano sonata at sa edad na pito ay nakalikha na siya ng isang buong Opera na pinamagatang “The sweeper of Dreams”.
Kamakailan lamang ay muling pinahanga ni Alma ang buong mundo matapos niyang pumayag na mag-perform sa loob ng 60-minuto pero may additional challenge….apat na nota lamang ang maaari niyang pagbasehan at gamitin.
Sa harap ng tv news anchor na si Scott Pelley, nakagawa ng isang kumpletong Piano performance si Alma gamit ang apat na notang ibinigay sa kaniya ni Pelley mula sa sumbrero nito.
Hindi halos makapaniwala si Pelley sa nalikhang piano masterpiece ni Alma na nasaksihan niya mismo na nabuo sa loob lamang ng ilang minuto.
Sinabi ni Alma, para sa kaniya ang pinakamahalagang bagay sa musika ay ang melody. Hindi aniya kailangang maging napaka-complex o napaka-serious nito kundi dapat ay magugustuhan ito at mae-enjoy ng mga makikinig.
=== end ====