13 patay sa sagupaan ng mga pulis at gang suspects sa western Mexico

13 patay sa sagupaan ng mga pulis at gang suspects sa western Mexico

Agents of the Jalisco Attorney stand guard at the site where four police officers and eight alleged members of the organized crime were killed, and six others were wounded, in a confrontation in El Salto, Jalisco state, Mexico, on June 23, 2022. (Photo by ULISES RUIZ / AFP)

Apat na pulis at siyam na hinihinalang gang members ang nasawi, nang magkapalitan sila ng putok sa western state ng Jalisco sa Mexico.

Ayon sa mga nakasaksi, nangyari ang sagupaan sa isang bahay sa El Salto sa labas ng siyudad ng Guadalajara at tumagal ito ng higit isang oras.

Kasunod ng barilan, siyam na bangkay na ang isa ay babae ang natagpuan sa loob ng bahay.

Sinabi naman ni prosecutor Luis Mendez Ruiz sa mga mamamahayag, na dalawa katao na hinostage sa loob ng bahay ang nailigtas, makaraang makatanggap ng tip ang pulisya na may mga taong may busal sa bibig ang dinala ng mga gunmen sa loob ng bahay.

May ilang katao rin na inaresto, at sinamsam ang mga armas at bala.

Ang western region, na isa sa pinakamayaman sa bansa ay tahanan ng makapangyarihang Jalisco New Generation Cartel, na ayon sa mga awtoridad ay dahilan ng maraming pagkawala at pagkamatay sa lugar.

Ang kanilang lider na si Nemesio “El Mencho” Oseguera, ay isa sa pinaka wanted drug lords sa buong mundo, sanhi para ang US Drug Enforcement Administration ay mag-alok ng $10 million para sa kaniyang ikadarakip.

Higit 340,000 katao na ang nasasawi sa mga sagupaan sa Mexico, mula nang mag-deploy ang gobyerno ng army noong 2006 para labanan ang drug cartels.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: