13 undocumented Chinese Nationals nadiskubre sa isang barko sa Bataan
May 13 undocumented chinese nationals ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa isang dredging vessel na naka-angkla sa Mariveles, Bataan
Sa impormasyon mula kay Commodore Jay Tarriela, Spokesperson ng PCG para sa West Philippine Sea , bibiyahe sana patungong San Felipe, Zambales ang Harvest 89 para sa dredging operations doon.
Pero nagduda ang mga tauhan ng PCG nang tumanggi ang ahente ng barko na payagan ang pre departure inspection sa barko.
Katwiran umano ng mga ito, kumpleto naman ang kanilang mga dokumento.
Matapos ang ginawang inspeksyon ng PCG Limay Substation nakita ang siyam na chinese na walang dokumento.
Nakita rin ang apat na iba pa na nagtatago rin sa loob ng barko.
Nabatid na ang mga pinoy crew lang umano ng barko ang nasa manifesto nito at wala ang mga nasabing Chinese.
Ayon kay Tarriela sa ginawang inspeksyon, may mga natagpuan ring uniporme ng People’s Liberation Army.
Madelyn Villar – Moratillo