Bulkang Taal ,nakapagtala ng Phreatic activity
Limang mahihinang Phreatic activity ang naobserbahan sa bulkang Taal kahapon.
Ayon sa DOST-PHIVOLCS , nangyari ang mahihinang pagputok sa pagitan ng 08:54 ng umaga hanggang alas-5:38 ng hapon
Nagresulta ito sa pagbuga ng mga puting usok o plumes na umabot sa 300 meters ang taas sa main crater ng bulkan.
Sa tala ng PHIVOLCS, aabot na sa sampung phreatic eruptions ang naitala sa bulkan ngayong buwan ngunit hindi naman ito indikasyon na may mas malakas na pagputok.
Paliwanag ng PHIVOLCS, maaaring sanhi ng weak phreatic activity ay ang nagpapatuloy na pagbuga ng maiinit na volcanic gases sa bunganga ng bulkan.
Tumaas sa higit 5 thousand tonnes per day ang ibinugang sulfur dioxide ng Taal hanggang nitong May 13 habang nananatiling mataas ang average emissions nito simula noong Enero.
Patuloy naman ang paalala ng PHIVOLCS sa publiko na ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa permanent danger zone ng taal dahil sa panganib ng mga minor ashfall, volcanic eathquakes at biglaang phreatic explosions.