13th month pay, kailangan pa ring maibigay sa mga empleyado sa kabila ng nararanasang Pandemya – DOLE
Sa kabila ng nagpapatuloy pang Pandemya dulot ng Covid-19, nagpaalala si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga employer na kailangang maibigay ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado.
Ayon kay Bello, nauunawaan nila na malaki ang naging epekto ng Pandemya sa maraming negosyo.
Pero sa ilalim aniya ng batas, ang pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado ay isang obligasyon ng employer.
Labor Secretary Silvestre Bello III:
“Itong 13th month pay, this is a statutory obligation, hindi natin puwedeng iwasan yan, you have to pay it. Kapag hindi mo binayaran yan eh siguradong magdedemanda yung employees”.
Kaya naman payo ni Bello sa mga employer mag-isip ng paraan kung paano matutugunan ang problema.
Mungkahi ni Bello, puwede namang kausapin ng employer ang mga empleyado nito na hatiin o gawing 2 gives ang pagbibigay ng 13th month pay.
Basta ang mahalaga aniya, dapat ay papayag rin dito ang empleyado.
Sa ilalim ng batas, ang 13th month pay ay dapat maibigay sa mga empleyado hanggang December 24 ng bawat taon.
Madz Moratillo