13th month pay para sa mga job order at contractual government employees itinutulak sa Kamara
Isinusulong ni House Deputy Speaker Congresswoman Camille Villar ang panukalang batas na magbibigay ng mandatory 13th month pay sa lahat ng mga empleyado ng gobyerno na nasa uring Job Order, Contract of Service o Contractual.
Ito ang nilalayon ng House Bill 6541 o 13th month pay law for Contractual and Job Order goverment personnel.
Sinabi ni Villar na batay sa record umaabot sa 493,900 ang empleyado ng gobyerno na Job Order ang appointment at 14,100 ang Contractual bases.
Ayon kay Villar sa kasalukuyang kalakaran ang mga Job Order at Contractual employees ay hindi entitled sa overtime pay, sick leave at 13th month pay.
Inihayag ni Villar karamihan sa mga Job Order at Contractual government workers ay matagal ng naglilingkod sa pamahalaan at hindi nabibigyan ng tamang kompensasyon.
Vic Somintac